Amanda at Thomas copy

INAMIN ni Thomas Sadoski sa Late Late Show nitong Huwebes ng gabi na nagpakasal na sila ni Amanda Seyfriend.

Nang batiin ng host na si James Corden ang aktor sa engagement nila ni Amanda, tinawag ni Sadoski si Seyfriend na “my wife” at ipinakita ang bagong wedding band.

Nang ibunyag na naging opisyal na ang lahat noong Linggo, dagdag ni Sadoski, “We eloped... we just took off into the country with an officiant and just the two of us, and we did our thing… We had a great day. It was perfect.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinulat ng bagong kasal ang kanilang sariling vows at dumalo rin sa seremonya ang minamahal na alagang aso ni Seyfried na si Finn.

Hindi maitago ng Newsroom alum na kinikilig siya habang nagsasalita tungkol sa kanyang asawa, “Listen, she’s the person I love, admire, respect most in the world.”

Patuloy niyang sabi at biniro si Corden, “I know that you guys are close friends, and I know that she would want you to know, so don’t tell anyone.”

Inaasahan ng mag-asawa, na kinumpirma ang kanilang engagement noong Setyembre 2016, na isisilang ang kanilang unang anak sa pagtatapos ng taon at excited na rin na maging first-time parents.

“I’m more excited to be a father with Amanda as my partner than I’ve ever been about anything in my entire life,” saad ni Sadoski sa talk show ni Harry Connick Jr. nitong Pebrero. “I couldn’t be more proud of her for who she is as a mom already.” 

Ibinahagi na rin noon ni Seyfried sa Vogue Australia ang kanyang mga plano tungkol sa kasal niya, na nais niyang maging low-key affair.

“I don’t want to be the center of attention,” aniya, ay idinagdag na hindi niya planong magsuot ng puting damit. “I get to go to premieres and get dressed up all the time. I went to the Met Gala last year in a wedding gown designed by Riccardo Tisci; I’ve played a bride a billion times.” (Entertainment Tonight)