JAMES AT NADINE copy

WALA nang makakapigil sa kasikatan ng love team nina James Reid at Nadine Lustre. Katunayan, ngayong Marso ay nakatakda silang magtanghal sa iba’t ibang estado ng America.

Pinamagatang Always Jadine, sabik na sabik na ang kanilang libu-libong fans na masaksihan ang live performances nina James at Nadine sa mga sumusunod na lugar.

Magsisimula ang tour sa Golden Theater sa Flushing, New York ngayong Marso 17, susunod agad sa Copernicus Theater sa Chicago, Illinois sa Marso 19; The California Center for the Arts in Escondido, California (Marso 24), sa Alex Theater sa Glendale, California (Marso 26), sa Chabot College Performing Arts Center sa Hayward, California (Marso 31), at sa AyvaCenter Concerts and Banquet Houston, Texas (Abril 1).

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Magtatapos ang tour sa Zabeel Hall 6 sa Dubai on Mayo 5.

Ito ang pangalawang international concert tour ng JaDine. Last year ay nagtanghal ang dalawa sa Middle East, Europe, sa US at Canada.

Ang Always Jadine tour ay produksiyon ng Viva Live sa pakikipagtulungan ng SMDC at Philippine Airlines. Tampok din sa show ang host at komedyanteng si Chad Kinis at ang G-Force Dancers. (REMY UMEREZ)