Paolo, Lorna, Angelica, Julia, Cherry Pie at JC copy

NASALUBONG namin sa ELJ Building ng ABS-CBN ang talent coordinator na si Tang Adriano nitong Miyerkules ng gabi na nagmamadaling bumaba dahil sasalubungin daw niya si Lorna Tolentino.

Hindi na namin nagawang magtanong kung ano ang gagawin ni Ms. LT sa Kapamilya Network dahil ang alam namin ay nasa GMA-7 siya.

Sakto naman na pababa kami nang makita namin si Ms. Lorna sa tapat ng malaking hagdanan ng ELJ Building at kasama na nga si Tang papuntang elevator.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa nasalubong na kakilala naming taga-Dos, balik-Kapamilya na ang aktres pagkalipas ng limang taon.

Ang huling teleseryeng ginawa ni LT sa Dos ay ang Minsan Lang Kita Iibigin (2011) kasama sina Coco Martin, Andi Eigenmann, Martin del Rosario, at Maja Salvador. Ginampanan ni LT ang papel ng ina ni Coco, si Alondra Sebastiano-del Tierro.

Lumipat siya sa TV5 na kinontrata siya ng limang taon at nabigyan ng sunud-sunod na programa at pagkatapos ay nag-GMA-7 bago muling bumalik sa ABS-CBN.

Sa sikat na Dreamscape Entertainment unit uli gagawa ng bagong teleserye si Lorna titled Victims of Love kasama sina Angelica Panganiban, JC Santos, Paulo Avelino, Julia Montes at Cherie Pie Picache na nagkaroon ng storycon nu’ng Miyerkules ng gabi.

As of press time ay wala pang petsa ang airing ng Victims of Love. (REGGEE BONOAN)