VICE GANDA copy

HINDI sineseryoso ni Vice Ganda ang isyu sa kanila ni Nora Aunor.

Nagsimulang uminit ito nang magpahayag ang Superstar na “binabastos” raw siya ng Unkabogable Star sa kanyang programa, at iyon daw ang dahilan para mag-back out ang una as main judge sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime nitong nakaraang Sabado.

Mas pinili pa ni Nora na mag-guest sa Eat Bulaga, ang katapat na noontime show. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nang makausap ng ABS-CBN showbiz news reporter na si MJ Felipe si Vice, tinawanan lang nito ang mga pahayag ni Nora tungkol sa kanya.

“No comment. Mas relevant pa si Gina Lopez kesa sa aming dalawa,” pabirong sagot ng komedyanteng aktor.

Mas visible at mas mainit daw kasi ang isyu ngayon ni Secretary Gina Lopez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na kasalukuyang kinokontra ng mga naipasarang minahan ang confirmation sa Commission on Appointments sa Kongreso.

Pagkatapos magpahayag ng matipid na sagot kay MJ, nakiusap si Vice na huwag nang patulan ang isyu. 

Katwiran ng It’s Showtime host, may mga taong pinipilit idawit ang kanyang pangalan sa walang katuturang isyu para mapag-usapan lamang. Tama ka d’yan!

Kahit no-show si Nora sa grand champion ng “TNT”, wagi pa rin sa ratings ang noontime Kapamilya show laban sa katapat na programa. Ayon sa CorpComm ng ABS-CBN, 33.6% ang naitalang ratings ng It’s Showtime against 11.7% ng Eat Bulaga sa nationwide, rural at urban last Saturday. (ADOR SALUTA)