Cesar2 copy copy

NALAMAN namin mula sa staff ng isang senador na may konek sa showbiz na hindi pala dadaan sa Commission on Appointments (CA) ang pagiging chief operating officer (COO) ni Cesar Montano sa Tourism Promotions Board (TPB).

Hindi naman daw kasi pang-cabinet secretary ang posisyon ng actor.

Pero kung hindi dadaan si Cesar sa pag-uusisa ng mga mambabatas na kabilang sa CA ay tiyak naman daw na gigisahin ang actor ng mga senador hinggil sa reklamo ng corruption at paghahakot ng mga kamag-anak sa Tourism TPB.

Lifehacks

National Mental Health Week, ginugunita tuwing Oktubre; malusog na kaisipan, paano aalagaan?

Itinulak nina Sen. Nancy Binay at Sen. Tito Sotto na maimbestigahan si Cesar at agad naman itong ini-refer sa Senate Blue Ribbon Committee at Committee on Tourism na magkasabay na mag-iimbestiga sa naturang isyu. (May kaugnay na ulat sa pahina 3.)

Hindi naman daw nababahala si Cesar sa gagawing imbestigasyon dahil nasa likod niya si President Digong na nagpahayag pa ng suporta sa kanya. Malaki raw ang naitulong sa kanya ng aktor noong election.

Matandaang may hindi nagpakilalang empleyado ng TPB na nagsampa ng reklamo sa Presidential Action Center (PACE) laban kay Cesar. Pero ayon sa actor ay gawa-gawa lang naman daw ng mga taong naalarma sa gagawin niyang imbestigasyon dahil may mga nakikita raw siyang iregularidad at anomalya sa dating pamamalakad ng ahensiya.

“Those allegations are baseless, wrong and untrue. ‘Yung complainant walang name,” sabi ni Cesar.

In time ay ibubunyag daw ni Cesar ang mga nadiskubre niya sa TPB

“I have to be transparent sa taumbayan. Kung ano po ‘yung totoo, sasabihin ko and I will tell it very very soon,” sabi pa ng actor.

Samantala, from the same source na kausap namin ay napag-alaman namin na hindi naman daw si Cesar ang nais ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo na ilagay ni Pang. Duterte bilang COO ng TPB. (JIMI ESCALA)