PINABULAANAN ni Noah Cyrus ang mga haka-haka na ikinasal na ang kanyang nakatatandang kapatid na si Miley Cyrus kay Liam Hemsworth.

Nakapanayam ng ET ang Make Me (Cry) singer sa Nickoledeon Kids’ Choice Awards nitong nakaraang Sabado sa Los Angeles, at pinabulaanan niya ang mga haka-haka tungkol kay Miley na kasal na umano sa fiancé na si Liam.

“She’s not married,” ani Noah, 17, at ipinaliwanag ba ang larawan kamakailan na ipinost ng tatay nila na si Billy Ray Cyrus sa Instagram na nakasuot ng puting dress si Miley ay, “probably just having fun or something.”

Nilinaw din Billy Ray sa mga tagahanga na huwag gumawa ng konklusyon sa larawang ito ni Miley.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa suporta ng kanyang ate sa kanyang pagtatanghal kamakailan sa iHeartRadio Awards, ibinahagi ni Noah na malaki ang itinutulong sa kanya ng pamilya niya.

“They definitely have been, like, super supportive in giving me as much advice as possible,” aniya, “they’re letting me be who I am ... (saying things like) ‘Be your own person,’ and ‘Don’t change for anyone.’ (ET Online)