Derrick and Bea 7 copy copy

DOBLE ang sayang hatid ng GMA Network sa mga Dabawenyo dahil ang stars ng Encantadia at ng inaabangang Mulawin vs. Ravena ay lilipad patungong Davao City para makisaya sa selebrasyon ng ika-80 Araw ng Dabaw.

Pangungunahan ni Dennis Trillo, isa sa mga bida sa Mulawin vs. Ravena series, ang Kapuso Mall Show sa Gaisano Mall Toril sa Huwebes (Marso 16) upang i-promote ang kanyang upcoming show. Makakasama ni Dennis ang kanyang co-stars na sina Dion Ignacio at Kiko Estrada sa show na magsisimula sa ika-3 ng hapon.

Kasali rin sa Araw ng Dabaw celebration sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali; at Derrick Monasterio at Bea Binene.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang BiGuel at DerBea love teams ay magiging bahagi rin ng Mulawin vs. Ravena. Magpapakilig sila sa Abreeza Mall na mayroon ding Kapuso Mall Show na magsisimula sa ika-5 ng hapon.

Sa Biyernes (Marso 17), muling makikisaya ang Encantadia sa Davao City sa pamamagitan ng mga bidang sina Ruru Madrid, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro. Magaganap ang mall show nina Ruru, Sanya, at Glaiza sa SM City Davao sa ganap na ika-4 ng hapon.

Sa pamamagitan ng GMA Regional TV, nananatiling isa sa constant partner ang GMA Network sa taunang pagdiriwang ng Davao City sa pagkakakatatag nito bilang lungsod. Walang tigil ang GMA sa paglilibot sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas bilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga manonood sa Kapuso Network na siyang dahilan ng pagiging number one nito nationwide.