cage copy

KABUUANG pitong lalaki at pitong babae ang nangibabaw sa mahigit 100 camper na sumabak sa Cebu Regional Selection Camp ng Jr. NBA Philippines 2017 nitong weekend sa Don Bosco Technical Center.

Nagmula ang mga batang camper sa mga lalawigan ng Cebu, Bacolod, Cagayan De Oro, Leyte, at Misamis Oriental.

Kabilang sa mga napili sina Rolando Jesus Abad, 13, ng St. Anthony Highschool; Joshua Benedict Baldonado, 14, ng St. John’s Institute Bacolod City; Nicael Dominie Cabanero, 13, ng Sacred Heart School Ateneo de Cebu; Jericho Deloria,14, ng Cebu Eastern College;

Human-Interest

Para makakuha ng simpatya? Taxi driver na may Tourette Syndrome, pinagdudahan

Ynnia Juanne Abella, 12, ng Sotero B. Cabahog Forum for Literacy; Princess Jeira Delig, 13, ng Abellana National School; Chinnsai Denana, 13, ng University of Visayas; Maybelle Retubado, 13, ng Bulacao Community Highschool; Tara Ramz Sabalones, 13, ng Montessori Academy of Southern Cebu; Aishe Mae Solis, 12, ng Marymount Academy; Mecaellah Tagalog,13, ng University of Southern Philippines Foundation.

Sasabak sila sa National Training Camp sa Mayo 12-14 sa Metro Manila.

Sumabak sa unang araw ng camp ang mga kalahok sa fundamental skills challenges kung saan ang mga nangunang players ay umusad sa Day 2 para sa advanced basketball drills at scrimmages.

Pinangunahan ang Jr. NBA evaluation committee ni Jr. NBA Coach Chris Sumner kasama si Jeffrey Cariaso ng Alaska Aces.

Bukod sa husay ng mga players, pinili rin ang mga kalahok na nagpamalas ng character na nakapaloob sa Jr. NBA S.T.A.R. values na Sportmanship, Teamwork, a positive Attitide, at Respect.

Nakiisa rin si three-time PBA Champion at Alaska Aces shooting guard Dondon Hontiveros, isa sa ipinagmamalaking produkto ng Cebu, para magbigay ng kaalaman sa mga batang campers.

“We never experienced this kind of event during our time. Now, I look into the eyes of the Jr. NBA campers and see their joy in playing basketball,” pahayag ni Hontiveros.

“They have found new friends and are learning new things from their coaches while having fun. The Jr. NBA is refreshing, encouraging and inspiring for both boys and girls.”

Ang huling camp ng programa ay gaganapin sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City sa Abril 1-2. Inaanyayahan ang mga batang may edad 10-14 na magpatala online sa www.jrnba.asia/philippines.

Libre ang pagpapatala.