TYRA copy

SI Tyra Banks ang magiging bagong host ng 12th season ng America’s Got Talent.

Inihayag ng NBC nitong Linggo na magiging bahagi ng competition series ang supermodel, Emmy-winner at gumawa ng America’s Next Top Model at magiging hurado naman sina Simon Cowell, Mel B, Heidi Klum, at Howie Mandel.

Ang pahayag ni Paul Telegdy, presidente ng NBC Entertainment’s Alternative Reality Group, sa ET, “Tyra is the complete package: Out-of-this-world talented, funny, brilliant and all heart. In whatever she has done, she has always connected with audiences around the world.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Dagdag pa ni Telegdy, ang “vivacious spirit” ni Banks “will infuse AGT in a big way.”

Ibinahagi rin ang naturang balita sa Instagram, sa pamamagitan ng post na striking red carpet photo ng 43-anyos na fashion icon, na may caption na: “America, strike a pose. #AGT has a brand-new host! Welcome to the fam, @tyrabanks!”

Papalitan ni Tyra si Nick Cannon, na umalis na sa show kamakailan pagkatapos ng walong taong pagiging host nito.

Ang mga lalahok sa popular na kompetisyon ay dapat magpapamalas ng talento at maglalaban-laban para maiuwi ang $1 million premyo.

Mapapanood ang bagong season ng America’s Got Talent ngayong summer mula sa Dolby Theatre ng Los Angeles.

(AP at Entertainment Tonight)