KC copy

HAPPY si KC Concepcion na active na uli sa showbiz commitments ang mommy niyang si Sharon Cuneta. Naramdaman daw kasi niya na talagang hinahanap-hanap ng Megastar ang kanyang Sharonians.

Kung masaya raw si Sharon ay masayang-masaya rin silang buong magpapamilya.

“Sa totoo lang, eh, masaya kaming lahat para sa kanya. Kasi kapag ang mic wala sa kanya, kumbaga, kung wala siya sa entablado parang malungkot siya. So, when she’s performing nasa element talaga niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kaya, we’re very happy that she’s very excited everyday to go to work,” lahad ni KC.

Hindi naitago ni KC na naiilang siya sa balita noon na magsasama sa pelikula ang mga magulang niyang sina Sharon at Gabby Concepcion. Last year pa napag-uusapan ang naturang project.

“Well, for me, that would be a treat na mapanood sila sa pelikula. Pero sa tingin ko, mao-awkward talaga ako.

Kumbaga, ‘yung magulang ko na kung saan ako nanggaling, eh, pinapanood ko na naman sa screen.

“So kung ano na lang ang mangyari, kung may movie, kung wala, ang importante sa akin, magkaibigan sila,” sey pa ni KC.

Panigurado ni KC, hindi magiging magkaaway kanyang ama’t ina.

“Dahil nandito ako, sana, eh, maging maganda lang ‘yung relasyon nilang dalawa bilang magkaibigan,” ani KC.

Samantala, happy ang love life ngayon ni KC sa boyfriend niyang si Ali Borromeo. Kamusta naman sila ngayon?

“Well, hayun, busy siya sa football. Ako naman busy sa mga endorsements. So, it’s a very positive relationship. Ganda ng feeling, parang ibang world,” napatawang sagot ng dalaga.

Tanging and Diyos naman daw ang nakakaalam kung silang dalawa na nga ni Ali hanggang huli.

“Basta ako, I’m very thankful that he is also very spiritual na tao kasi ‘yun ang importante sa akin,” sabi pa ng aktres/TV host. (Jimi Escala)