MAANTIG at ma-inspire sa kuwento ng paglaban at pag-asa ng Filipino-American na si Jessica Cox, ang pinakaunang piloto sa mundo na walang braso, sa documentary na Rightfooted ngayong gabi sa ABS-CBN.

Kilala ngayon bilang isang international motivational speaker at tagapagsulong ng kapakanan ng mga taong may kapansanan, si Jessica ay ipinanganak na walang mga braso bunga ng di-pangkaraniwang birth defect. Sa kabila nito, natutuhan pa rin niyang gawin ang maraming bagay gamit ang kayang paa. Nag-type sya ng kanyang school papers gamit ang mga daliri sa paa, nagmamaneho ng kotse, at ang pinakanakamamangha sa lahat ay ang makapagpalipad ng eroplano.

Ang kakayahan niyang ito ang naglagay sa kanya sa Guinness Book of World Records.

Nakapaglakbay na siya sa 20 bansa, kabilang ang Pilipinas, at nagbabahagi ng kanyang inspiring messages at nagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga taong may kapansanan.

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

Ipinagdiriwang ng ABS-CBN ang buwan ng kababaihan sa paghahandog ng mga espesyal na dokyu at mga pelikula sa bawat Linggo ng Marso.

Panoorin ang buong kuwento ni Jessica sa Rightfooted ngayong Linggo (Mar 12) sa Sunday’s Best ng ABS-