Itinanggi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na hindi armado ang apat na napatay na pulis, kabilang ang isang miyembro ng Scene of the Crime Operations (SOCO), sa pananambang ng New People’s Army (NPA) sa mga ito sa Barangay Sibayan, Bansalan, Davao del Sur nitong Marso 8.

Sa isang pahayag, tinawag ng NDFP ang bersiyon ng pulisya sa insidente na “outrageously melodramatic.”

Ayon kay NDFP Southern Mindanao Spokesperson Rigoberto Sanchez, ang ambush ay tactical attack sa isa sa dalawang dumaang sasakyan na nagsilbing reinforcement sa pagresponde sa isang insidente ng pamamaslang ng NPA.

“The first police vehicle passed by the NPA ambush position site at 6:35 a.m.,” sabi ni Sanchez. “The NPA squad desisted from striking when it saw civilians riding in motorcycles were in close proximity to the moving PNP vehicle.”

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Ang pananambang ay para sa ikalawang sasakyan, na dumaan sa lugar makalipas ang 30 minuto.

“At 7:10 am, the NPA squad, positioned eight meters from the road, proceeded to ambush the passing mobile vehicle.

After the initial five-second volley of gunshots, the NPA commander called for the enemy troops to surrender and lay down their arms,” kuwento ni Sanchez.

Gayunman, ayon kay Sanchez, nakipagbakbakan ang apat — taliwas sa report ng pulisya — at “retaliated with numerous return of fire.”

Isa pang pulis ang nasugatan ngunit nakaligtas sa insidente.

“At 7:25 am, the NPA 14-man squad safely withdrew from the ambush site,” sabi ni Sanchez.

Una nang inihayag ng pamunuan ng PNP — at mismong ni Pangulong Duterte — na hindi armado ang apat na nasawing pulis dahil pawang miyembro ng SOCO ang mga ito at hindi mga combat operator.

“The PNP hierarchy peddled the dubious line and outrageously melodramatic declaration that the PNP unit was a ‘non-tactical police team’,” ani Sanchez.

Kasabay nito , inamin ng NPA na nirespondehan ng mga pulis ang pagpatay nila kay Marlon Lomantas, isang dating sundalo na isa na ngayong intelligence agent ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Katwiran ng NPA, si Lomantas ay isa umanong “kilalang tulak at adik.” (Yas D. Ocampo)