Tatlong katao ang nasawi habang 36 na iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok sa dambuhalang bato ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa gilid ng kalsada sa Tabuk City, Kalinga kahapon ng umaga.

Sinabi ni Chief Insp. Carlonla Lacuata, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, na malubha ang tinamong mga sugat ng mga pasahero dahil bumaligtad ang jeep pagkatapos ng aksidente.

Kinilala ni Chief Insp. Lacuata ang driver ng jeep na si Ramos Mayao-Mayao.

Aniya, pababa ang kalsadang tinatahak ng jeep nang mangyari ang aksidente bandang 10:00 ng umaga sa Sitio Makakabbet sa Barangay Kudal.

National

Sen. Imee, nakikita na lang si PBBM sa 'public events'

Naipit pa ng tumaob na jeep ang ilan sa mga pasahero, ayon kay Chief Insp. Lacuata.

Ayon kay Lacauta, sinabi ng driver na hindi na nito nakontrol ang manibela hanggang sa tuluyang bumangga ang sasakyan sa higanteng bato. (Aaron Recuenco)