BAMAKO (Reuters) — Naghain nitong Biyernes ng panukala ang gobyerno ng Mali na magtatatag ng panibagong Senate chamber bilang parte ng pagbabago ng konstitusyon na dinisenyo upang palaganapin ang demokrasya sa West African country, ayon sa pahayag ng gobyerno.

Ito ay magiging isa saw along institusyon ng bansa na binubuo ng pangulo, gobyerno, national assembly at supreme court, kinumpirma ng gobyerno matapos ang isang matagumpay na pagpupulong ng mga ministro na pinamunuan ni Pangulong Ibrahim Boubacar Keita.

“The draft law gives the president of the republic the responsibility to determine the policy of the nation and the right to appoint the prime minister and to terminate his functions without the need for him to resign,” ayon dito.

“It creates a parliament consisting of two chambers: the national assembly and the Senate,” dagdag pa nito.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Kinakailangang makapasa sa national assembly ang panukala bago maisabatas.