Magsasagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dry-run sa light truck ban sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) at Shaw Boulevard patungong Mandaluyong at Pasig City simula sa Miyerkules.

Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, ang resolusyon na nagbabawal sa maliliit na truck sa pagdaan sa mga naturang lansangan simula Marso 15 hanggang Hunyo 15.

“This is only one of the several measures that has been approved by the local executives during the meeting in an effort to further improve traffic condition in Metro Manila,” paliwanag ni MMDA General Manager Tim Orbos.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Batay sa resolusyon, hindi pinapayagang dumaan sa EDSA at Shaw Boulevard ang truck na may bigat na 4,500 kilogramo pababa, mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.

Paiiralin ng MMDA ang “uniform light truck ban” mula Lunes hanggang Sabado, maliban sa Linggo at mga holiday. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P2,000. (BELLA GAMOTEA)