Jennifer at Ben copy

PATULOY na nakatuon ang pansin nina Ben Affleck at Jennifer Garner sa kanilang mga anak.

Sinabi ng sources na malapit sa dalawa sa ET na “there is no update or change in Ben and Jen’s relationship” simula nang ihayag nila ang kanilang paghihiwalay halos dalawang taon na ang nakalilipas.

“Everything is moving at same pace it has been since their separation was announced,” saad ng isang source. “They have always remained civil and they are doing this at the pace they need to do for the best interest of their family.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

No specific event occurred or changed their relationship. It’s the exact same status.”

Sa kumakalat na mga haka-hakang nakikipagbalikan si Affleck, 44, sa dating fiancée na si Jennifer Lopez, 44, ibinahagi ng source na malapit sa Oscar-winning actor sa ET na “there is zero truth to those reports.”

Nitong Miyerkules, iniulat ng People na iniatras ng 44-anyos na si Garner ang diborsiyo, at nagdesisyon siya at si Affleck na ayusin ang kanilang pagsasama na dumaan sa matinding pagsubok na humantong sa hiwalayan. “There is always a chance of reconciliation,” saad ng source. “They love each other. They also really, really love their kids, and those kids love their parents.”

Inihayag nina Garner at Affleck ang kanilang hiwalayan noong Hunyo 2015 pagkaraan ng 10-taong pagsasama bilang mag-asawa, ngunit hindi pa nakapagsasampa ng opisyal na papel ang dalawa para sa kanilang diborsiyo. Patuloy silang nakatira sa ilalim ng iisang bubong, madalas na lumalabas na magkasama bilang pamilya kasama ang kanilang tatlong anak, at namataang bumoboto at pumupunta sa simbahan na magkasama.

Nanatili may “love and respect for one another” ang dalawa kahit magdadalawang taon na simula nang sila ay maghiwalay, saad ng source sa ET.

“They have maintained such a strong and beautiful united front to stay lovely and classy towards each other for their kids,” ani source. “They spend so much time working on their relationship -- whether it’s a friendship or anything -- for their kids.” (ET Online)