NAKABABAWAS ng sintomas sa pagkakaroon ng depression ang pagsali sa yoga at deep breathing classes dalawang beses kada linggo na may kasamang pagsasanay sa tahanan, ayon sa bagong pag-aaral.

Sinusuportahan ng resulta ang paggamit ng yoga-based interventions bilang alternatibo o karagdagan sa pharmacologic treatment sa depression, ayon sa mga researcher.

“This study supports the use of a yoga and coherent breathing intervention in major depressive disorder in people who are not on antidepressants and in those who have been on a stable dose of antidepressants and have not achieved a resolution of their symptoms,” saad ni Chris Streeter, isang associate professor sa Boston University School of Medicine sa US.

Karaniwan na ang major depressive disorder (MDD). Gumamit ang pag-aaral, na inilathala ng Journal of Alternative and Complementary Medicine, ng lyengar yoga that na nakatuon sa detalye, precision, at alignment sa posture at pagkontrol ng paghinga.

Eleksyon

Mga opisyal at kawani ng Manila City Hall, pinaiiwas ni Mayor Honey sa pamumulitika

Inilagay sa grupo ang bawat indibiduwal na may MDD sa high-dose group, tatlong 90-minutong klase kadala linggo kasama ang pagsasanay sa bahay, o ang low-dose group, dalawang 90-minutong klase kada linggo na mayroon ding pagsasanay sa tahanan.

Mayroong pagbaba ang parehong grupo sa kanilang sintomas sa depression.

Bagamat nagkaroon ng mas mababang depressive symptoms ang mga kalahok sa high-dose group, naniniwala ang mga researcher na ang pagdalo ng dalawang beses kada linggo sa klase (kasama ang pagsasanay sa tahanan) ay makapagdudulot ng hindi masyadong mahirap ngunit epektibong paraan para muling maibalik ito.

“While most pharmacologic treatment for depression target monoamine systems, such as serotonin, dopamine and norepinephrine, this intervention targets the parasympathetic and gamma aminobutyric acid system and provides a new avenue for treatment,” saad ni Streeter, na psychiatrist din ng Boston Medical Center. (PNA)