Dahil sa umano’y pagkakasangkot sa maanomalyang drainage projects na aabot sa P4.7 milyon noong 2011, kinasuhan na kahapon sa Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor at Rep. Enrico “Recom” Echiverri.

Bukod kay Echiverri, sinampahan din ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) sina dating city accountant Edna Centeno at city budget officer Jesusa Garcia.

Nahaharap din sina Centeno at Garcia sa kasong 2 counts ng falsification of public documents.

Sa reklamo ng Office of the Ombudsman, naganap ang anomalya noong nakaupo pang mayor si Echiverri mula 2004-2013.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“The respondents gave unwarranted benefits and advantage by awarding a P2.7-million contract to E.V. & E.

Construction for the improvement of the Molave St. Drainage System from May to December 2011. The similar incident happened during the same period when the respondents awarded a P1.9-million contract to Golden 3T Construction for the improvement of the Saplungan St. Drainage System,” pahayag ng Ombudsman.

Ayon sa anti-graft agency, walang permiso sa Sangguniang Panlungsod ang nasabing mga proyekto.

(ROMMEL P. TABBAD at JUN FABON)