Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. -- Tanduay vs Blustar

5 n.h. -- Racal vs Café France

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

TARGET ng Café France na tuluyang masementuhan ang kapit sa liderato sa pakikipagtuos sa powerhouse Racal sa tampok na laro ngayon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kasalukuyang kasalo ang Cignal-San Beda sa ikalawang puwesto hawak ang barahang 6-1, matatablahan ng Bakers ang Tile Masters sa panalo sa kanilang duwelo ganap na 5:00 ng hapon.

Sa nasabing laro, maaaring madetermina kung sino ang unang aangkin ng unang semifinals berth.

Inamin ni Racal coach Jerry Codinera na mahihirapan sila sa Café France.

“That’s a champion team," simple ngunit makahulugang wika ni Codiñera.

“Malakas talaga sila and natalo nila kami sa offseason, but we’ll be ready to make some adjustments. We have players naman na I hope can provide quality support,” aniya.

Muling sasandigan ni Codinera para mamuno sa Racal sina Kent Salado, Sidney Onwubere, at Jackson Corpuz.

Sa kampo ng Café France, nais ni coach Egay Macaraya na mas maging consistent ang kanyang mga player sa opensa at depensa.

“Di pa rin kami consistent. But the only thing I can hope is for us to have a breakout game because we badly need that dahil parang on and off kami lagi,” ani Macaraya.

“Ang maganda rito yung destiny, nasa kamay pa rin namin. We have to win our remaining games to hopefully land a spot in the top two,” aniya.

Magtutuos naman ang Tanduay (4-3) at ang wala pang panalong Blustar (0-7) ganap na 3:00 ng hapon. (Marivic Awitan)