BATAN, Aklan - Duda ang ama ng pinaslang na barrio doctor na si Dr. Dreyfuss Perlas na may kinalaman sa krimen ang umano’y suspek na napatay sa Lanao Del Norte kamakailan.

Ayon kay Batan Councilor Dennis Perlas, ama ni Dr. Drey, may direkta siyang contact sa Lanao Del Norte kaya alam niyang isinangkot lang sa kaso ang napatay ng mga pulis na si Agapito Tamparong, o Ka Ruben, dahil may mga kaso na ito sa Mindanao.

Ayon kay Perlas, nasa 75 porsiyento ang kanyang pagdududa na isa si Tamparong sa mga pumaslang sa kanyang anak, at nasa 25% naman ang posibilidad ng bintang.

Naniniwala si Councilor Perlas na hindi propesyunal ang pumatay sa kanyang anak, at posibleng may inggit o napagtripan lang na barilin ang kanyang anak.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Nakatakdang ilibing si Dr. Drey sa Sabado, Marso 11, at inaasahan nang dadagsa ang mga tagasuporta at mga nananawagan ng hustisya para sa miyembro ng Doctors to the Barrio program ng Department of Health.

Nahaharap sa ilang kaso ng murder sa Lanao del Norte, napatay kamakailan ng awtoridad si Tamparong sa Lanao Del Norte sa umano’y akmang paghahagis ng granada sa mga pulis na aaresto rito. (Jun N. Aguirre)