TARLAC CITY - Nakatangay ng malaking halaga ng pera, appliances at electronic gadgets ang mga hinihinalang miyembro ng Bolt Cutter Gang matapos looban ang isang psychologist sa Felomina Subdivision sa Barangay San Rafael, Tarlac City, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ni PO3 Paul Andrew Pabustan, nilooban ang bahay ni Grace Garcia, 39, dalaga, at psychologist sa Philippine Air Force Management Center sa Villamor Air Base, Pasay City.

Natangay ng mga kawatan ang mahigit P150,000 cash, isang 55’’ TCL Smart TV (na nagkakahalaga ng P70,250), videoke player (P5,000), dalawang branded professional microphone (P30,000), portable DVD player (P2,000), air-conditioning unit (P8,000) Canon DSLR (P35,000), tatlong digicam (P30,000), iPad Air (P25,000), at iba pang mahahalagang gamit na aabot sa P442,000 ang kabuuang halaga. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog