KRIS copy

NAKAKATUWA ang mga kaibigan naming taga-production ng ABS-CBN. Nang malaman nilang airing na ng #TripNiKris, two-hour travel special ni Kris Aquino sa March 26 sa GMA-7, ay marami ang nagsabi sa amin ng, ‘aabangan namin, we miss madam’.

Feeling namin, curious ang mga taga-production ng Kapamilya Network sa programang ito ng Queen of All Media lalo na kung ano ang bagong ipapakita niya na hindi pa nagawa sa Dos.

May nagsabing, “’Yung KrisTV, naging travel show na, di ba? Hindi naman na siya sa studio nagti-taping, laging nasa location na, at base naman sa teaser ng #TripNiKris sa social media, same-same naman.”

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Mukhang may hawig nga ang tema, pero aabangan siyempre kung ano ang format at kung paano ang atake ng bagong production team ng Queen of All Media sa special niya.

Baka ikakarga sa travel special ang topic na hindi masyadong na-maximize ng KrisTV o pangkalahatan ang scope o mga lugar sa Pilipinas kasi nga gustong i-promote ni Kris ang turismo sa bansa.

Pero hindi lang ang mga dating Kapamilya ni Kris ang nag-aabang sa #TripNiKris kundi ang followers/netizens na pawang positibo ang komento sa social media.

Sa nakakahawang excitement nila, walang kaduda-duda na nami-miss na siya nang husto ng mga ito. (REGGEE BONOAN)