PITTSBURGH (AP) – Pumanaw na si Dr. Thomas Starzl, ang pioneer ng liver transplantation at nagsulong ng unang baboon-to-human liver transplant sa mundo at pananaliksik sa anti-rejection drugs. Siya ay 90.

Sinabi ng University of Pittsburgh, nagsalita bilang kinatawan ng pamilya Starzl, na ang bantog na doktor “died peacefully” noong Sabado sa bahay nito sa Pittsburgh.

Isinagawa ni Starzl ang unang liver transplant sa mundo noong 1963, at ang unang matagumpay na liver transplant noong 1967. Pinangunahan din niya ang kidney transplantation mula sa mga bangkay at nilubos ang proseso sa magkakambal, at kalaunan sa magkamag-anak bilang mga donor.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na