CAMILING, Tarlac – Naospital ang isang tricycle driver at tatlo niyang pasahero makaraang masagi sila ng kasunod na Isuzu Elf truck sa highway ng Barangay Malacampa sa Camiling, Tarlac.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Juanica, isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital sina Marciano Manuel, 49, driver ng tricycle; Leonida Manuel, 69; Jerry Manuel, 45; at Jeremy Manuel, 2, pawang taga-Bgy. Bigbiga, Mayantoc, Tarlac.

Bandang 1:40 ng hapon ay binabagtas ng tricycle ang highway ng Bgy. Malacampa nang masagi ito ng truck (XSF-762) na minamaneho ni Helmer Sadaha, 41, may asawa, ng Bgy. Padapada, Santa Ignacia, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog