Alden Richards and Maine Mendoza

BIG hit ang pinakabagong primetime series ng GMA Network na Destined To Be Yours na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza at consistent ang pagte-trending sa Twitter at pagiging panalo sa national ratings.

Parehong overwhelmed sina Alden at Maine sa buhos ng magagandang reaksiyon ng netizens.

“Sobrang happy, masaya kami na talagang maganda ang naging feedback sa Destined To Be Yours,” sabi ni Alden. “Pagbubutihin pa po namin, tutok lang.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bilang handog sa kanilang loyal fans at Kapuso viewers, muling ipapalabas ang pilot week ng primetime teleserye na pinamagatang Destined To Be Yours: A Beautiful Start ngayong Linggo (Marso 5), bago mag-Sunday Pinasaya sa GMA-7.