DIREK JOEL copy

IPINAGMAMALAKI ni Direk Joel Lamangan ang mga artista niya sa Bhoy Intsik, lalo na ang bidang si Raymond Francisco at ang second lead na si Ronwaldo Martin.

Si Direk Joel ang pumili sa dalawa para gumanap sa role nina Bhoy Intsik at Marlon Pogi respectively at hindi siya nagsisi dahil pareho silang mahusay.

Given na ang galing ni Raymond dahil pareho silang member ni Direk Joel na Dulaang UP. Pero kay Ronwaldo siya talagang bumilib na una niyang napanood sa Pamilya Ordnaryo at pang-anim na pelikula pa lang ang Bhoy Intsik.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Con man ang role nina Raymond at Ronwaldo sa pelikula at inakala ni Direk Joel na baka hindi makaya ng dalawa, pero nagulat siya dahil nakuha nila ang gusto niyang arte.

“He’s very raw, very fresh. Bagay sa kanya ang karakter ni Marlon na isang bagamundo, walang magulang, sa kalye nakatira. Napakahusay niya at siya ang pinakamagaling na aktor sa kanyang henerasyon ngayon,” paglalarawan ni Direk Joel kay Ronwaldo.

‘Kaaliw lang dahil sa rami ng papuri ni Direk Joel kay Ronwaldo, “salamat” lang ang nasasabi nito at nahihiya pa. Pero mas gusto ni Direk Joel ang ugaling ito ni Ronwaldo, tahimik, hindi masalita, pero sa acting ipinapakita ang kahusayan bilang aktor

Gusto sanang mag-guest ni Ronwaldo sa Probinsyano, pero ayaw daw ni Coco. Gusto muna nitong ma-train siya sa indie film. Kaya wala pa rin sa isip niya ang paggawa ng mainstream movie.

Ibig bang sabihin nito, indie film ang Bust Bust movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Anne Curtis? Ito ang next movie ni Ronwaldo at excited siya dahil crush pala niya si Anne. Nang makita raw niya ang aktres sa storycon, nahiya siya at natuwa.

Anyway, finalist sa 2017 Sinag Maynila Film Festival ang Bhoy Intsik, produced ng Frontrow Entertertainment na ang executive producers ay sina Raymond at Samuel Verzosa Jr. Mapanood ito simula sa March 9 hanggang 14 sa SM Megamall, SM North Edsa, Gateway, at Glorieta 4 cinema. May premiere night ang pelikula sa Marso 11.

Bago matapos ang presscon, pinag-react si Ronwaldo sa nasulat na kapatid ng Kuya Coco niya si Sandino Martin dahil magkapareho ang apelyido. Kaso walang alam sa isyu si Ronwaldo, kaya “hindi ko po alam ‘yan” at “wala akong alam sa isyu” ang naging sagot niya. (NITZ MIRALLES)