Mahigit dalawang milyong retirado ng Social Security System (SSS) sa bansa ang maaari nang mag-withdraw ng kani-kanilang P1,000 dagdag-pensiyon simula ngayong Biyernes, kasunod ng pahayag ng ahensiya na nailabas na nito ang P2-bilyon para sa buwanang pensiyon.
“We are pleased to announce to our pensioners that the P1,000 additional benefit is now ready for withdrawal in their respective bank accounts while the remaining retroactive amount will be received in the next two Fridays of March (10 at 17),” saad sa pahayag ni SSS President/CEO Emmanuel F. Dooc.
Sinabi ni Dooc na mahigit P2.04 bilyon na ang naideposito sa bank accounts ng mga pensiyonado na maaari nang ma-withdraw simula ngayon.
Ang P1,000 dagdag sa SSS pension ay inaprubahan ni Pangulong Duterte nitong Enero 10, habang Pebrero 22 naman pinahintulutan ang paglalabas ng pondo para rito. (Franco G. Regala)