MUNTIK na akong malaglag mula sa aking kinauupuan nang marinig ko sa radyo ang malaking kabalintunaan na muling “bubuhayin” ang operasyon ng “pagpatay” laban sa mga durugistang adik at pusher, na nagbalikan daw sa ating mga bangketa at kalsada, para magbenta ng ilegal na droga, magmula nang ipahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Oplan Tokhang” laban sa sindikato ng droga.

Nang ipahinto ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang— ang operasyong humihikayat sa mga adik at small time na tulak ng droga na sumuko sa PNP na nauuwi lamang sa pagpatay—dumami raw ulit ang krimen dahil nagbalik-kalye na naman ang mga adik at pusher. Maging ang supply ng droga ay lumobo raw ulit. At ang lahat ng ito umano ay bunga nang pagkaudlot ng giyera laban sa droga ng PNP.

‘Di ko lubos-maisip kung saan humuhugot ng katwiran ang mga pinuno ng administrasyong ito, para ibunton nila ang sisi ng talamak na pagdami ng mga pusher at adik sa lansangan, sa mga taong kaya nalululong sa bisyong ito ay dahil sa kahirapan, na siya namang sinasamantala at kinakasangkapan ng mga drug lord upang magkamal ng milyones sa kanilang ilegal na negosyo.

Sa unang sigwada pa lamang ng giyera laban sa droga, halos umabot na nga agad sa 7,000 ang tumimbuwang at tinakpan ng diyaryo sa mga kalsada at bangketa na pawang small time adik at pusher.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapansin-pansing wala ni isa mang big time na drug lord na napasama sa mga ito – at kung meron mang arestado,

nagpapasarap ang mga ito sa mga “fully furnished” na kulungan at may pag-asa pa yatang silang mapawalang-sala dahil sa pagtestigo nila laban kay Sen. Leila de Lima bilang isa umano sa kanilang mga “protektor” sa pagtutulak ng droga sa loob ng Bilibid Prison.

Huwag naman sana nating sayangin ang mga kaso laban sa mga drug lord na ito, para maidiin at maipakulong lamang si De Lima, na umaangking “kritiko” raw siya ng kampanya ni PRRD laban sa sindikato ng droga, dahil sa walang patumanggang EJK sa buong bansa.

Kung talagang may ebidensiya na magpapatunay na nakasawsaw ang Senadora sa ilegal na droga, tulungan na lamang sana ang mga matitinik na imbestigador at suportahan sila sa pagdokumento sa mga kaso laban dito.

Huwag naman sanang basta-basta maniwala sa mga pinaglulubid na kuwentong galing sa kulungan ng mga drug lord – dahil lahat ng sasabihin nila ay siguradong para lang sa sarili nilang kapakanan at wala ni katiting na para sa bayan.

(Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)