Patay ang isang kapitana makaraang pagbabarilin ng armdo habang naglalakad pabalik sa barangay hall sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Nenita Acuña, 43, kapitana ng Barangay 200, Zone 18, District 2, at residente ng 1026-A Hermosa Street, sa Tondo.

Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang isang Adrian Tayag, alyas “Pitong”, ng Tayag Street, Tondo, Maynila, na siyang itinuturong suspek sa pagpatay kay Acuña.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 6:59 ng gabi nangyari ang insidente sa De La Cruz Street, Tondo.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Katatapos lamang umanong magkabit ng mga tarpaulin ni Acuña, kasama ang barangay treasurer at isang tanod nang sundan sila ng suspek at pagbabarilin.

Isinugod pa sa Chinese General Hospital ang biktima ngunit hindi na umabot ang kanyang buhay.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang awtoridad sa bahay ni Tayag ngunit hindi na nila ito naabutan.

(Mary Ann Santiago)