CONEY AT RIA copy copy

INABANGAN at pinanood nitong Lunes ang pagtatagpo ng mag-inang Gia (Ria Atayde) at Dra. Margaret Divinagracia (Coney Reyes) sa teleseryeng My Dear Heart kaya nagtala ito ng rating na 29.1% kumpara sa pilot episode ng AlDub na nakakuha naman ng 20.2%.

Sayang at hindi namin napanood ang paghaharap nina Gia at Dra. Margaret. Kuwento ng mga nakapanood, bitch ang dating ng una sa huli.

Punumpuno raw ng galit sa dibdib si Gia na gusto niyang ilabas sa nanay niya at ikinababahala naman ito ni Dra. Margaret.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero sa totoo lang, kabadung-kabado pala si Ria habang kaharap si Ms. Coney noong kinukunan ang naturang eksena. Nag-alala siya na baka magkamali siya, ayaw niyang mapahiya, pero napaka-supportive raw ng batikang aktres sa kanya.

Ang post ni Ria sa social media account niya, “It is still so surreal to me that I get to have Miss @coneyreyes as my mother. I remain humbled and honored for this opportunity.”

Balik-tanaw tayo, alam n’yo ba na si Coney ang unang nagbigay ng pagkakataon kay Sylvia Sanchez para sa seryosong pag-arte sa telebisyon. Isinama siya nito sa Coney Reyes on Camera.

Doon sinabihan ni Coney si Ibyang na magbago siya ng imahe (kasi nga sexy star siya noon) dahil magaling siyang umarte.

Heto ngayon, anak naman ni Sylvia na si Ria ang kaeksena ni Ms. Coney. At sinabihan din na marunong umarte.

Labis-labis ang pasasalamat ng dalaga na napapalibutan siya ng mahuhusay na artista sa My Dear Heart. (REGGEE BONOAN)