WASHINGTON (AP) — Inihudyat ang bagong kabanata ng “American greatness,” nagtalumpati si President Donald Trump sa kongreso sa unang pagkakataon noong Martes ng gabi at nanawagang baguhin ang health care system ng bansa, itaas ang pondo ng militar at maglaan ng $1 trillion para sa pagsasaayos ng gumuguhong imprastraktura.

Idineklara ni Trump na: “The time for small thinking is over.” At hinikayat niya ang Democrats na, “Why not join forces to finally get the job done and get it done right?”

Nakatuon ang kabuuan ng talumpati ni Trump sa domestic, economic-focused issues na sentro ng kanyang presidential campaign. Ang kanyang mensahe sa national security ay ang panawagan na palakasin ang military spending at magkaroon ng mga matatag na hakbang para protektahan ang bansa mula sa “radical Islamic terrorism.”

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline