Alden & Maine2 copy

ANO kaya ang ibig sabihin ng white butterfly na lumipad sa pagitan nina Alden Richards at Maine Mendoza habang kausap sila ni Barbie Forteza sa “Starbuzz” segment ng live telecast ng Sunday PinaSaya sa Kapuso Panagbenga Festival sa Baguio City noong Sunday?

Sa naturang segment, nasa studio naman sina Ai Ai delas Alas, Jose Manalo at Wally Bayola at si Barbie as Kissie ay kasama nga nina Alden at Maine sa Sunshine Park sa Baguio para sa big promo ng Destined To Be Yours. Tinatanong sila ni Barbie tungkol sa kanilang real score after two years na pagsasama sa Eat Bulaga, sa first movie nilang Imagine You & Me at ngayon nga sa first teleserye nila.

“Kami na nga!” sagot ni Alden na ikinagulat ni Barbie dahil hayun nga at umamin na raw sila.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Hindi pa ako tapos, Barbs, ibig naming sabihin ni Maine, hindi kami nagtatago, ini-enjoy lang namin ang lagi naming pagsasama, halos araw-araw, lalo ngayon na nagti-taping nga kami ng soap namin. Kung ano ang nakikita ninyo, iyon kami, iyon ang totoo.”

Noon biglang may lumipad na white butterfly sa pagitan nina Alden at Maine na pareho nilang nakita at nagtilian din ang napakaraming taong sumaksi sa kanila. Pati nga si Barbie, napa-ohhhh!

Ang una naming naisip nang makita namin ang butterfly, hindi kaya si Mommy Rio ni Alden iyon, dahil ang sabi ng isa naming kakilalang visionary ay hindi iniiwanan si Alden ng ina. Hanggang ngayon, naka-guide pa rin daw ito sa kanya.

May nag-post naman agad ng, “What does it mean when you see a white butterfly?

“A white butterfly spiritual meaning talks to us about blessed relationships and natural balance. Especially if the white butterfly is seen by both people in the relationship, this augers peace and tranquillity in marriage.”

Napapanood na ang Destined To Be Yours gabi-gabi sa primetime block ng GMA7, pagkatapos ng Encantadia.

(NORA CALDERON)