KALIBO, Aklan – Humihiling ng P1 dagdag-pasahe ang mga tricycle driver sa Kalibo, Aklan.
Sa public hearing nitong Lunes ng hapon sa session hall ng Sangguniang Bayan, iginiit ng mga namamasada ng tricycle na tumaas na ang presyo ng gasolina sa lalawigan.
Kasalukuyang nasa P7.50 ang pinakamababang pasahe sa Poblacion ng Kalibo, at P6.50 ang singil sa mga senior citizen, estudyante, at may kapansanan.
Sa nasabing pagdinig, sinabi ng committee on public transportation ng Sangguniang Bayan na dapat munang magsagawa ng kani-kanilang konsultasyon ang mga drivers’ association sa kani-kanilang barangay bago payagan ang taas-pasahe.
(Jun N. Aguirre)