Heart Evangelista

DALAWA ang bagong show ni Heart Evangelista sa GMA Network, una ang Mulawin vs Ravena na inilunsad nang live sa 24 Oras noong Lunes at pangalawa ang talk-lifestyle reality show na Follow Your Heart.

“Na-excite ako nang malaman kong isasama ako sa Mulawin vs Ravena dahil napanood ko na noon ang unang Mulawin at natuwa akong makitang lumilipad ang mga taong-ibon,” nakangiting sabi ni Heart. “I will be playing the role of Alwina, ang katambal ni Mulawin noon. Natuwa ako kasi hindi ito tulad ng mga usual drama series na ginagawa ko, ito kasi action-fantasy naman. Nakagawa na ako noon ng fantasy series din ang Dwarfina, pero iba naman ito.

“Sa Follow Your Heart naman I will be playing the real Heart Evangelista, along with my special guests. Natural way lang at sincere ang mga gagawin namin ng mga guests ko pero marami kaming pasabog kaya sana ay panoorin ninyo kami sa naiiba kong show mula sa GMA News & Public Affairs.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

So, kung ganito ka-busy si Heart, paano na iyong sabi niya noon na mag-i-slow down na siya sa projects na gagawin niya dahil gusto na rin niyang magka-baby sila ni Sen. Francis Escudero?

“We lift it up to the Lord na. Kung gugustuhin Niyang bigyan na kami ng anak, mangyayari iyon at magiging isang malaking blessing iyon. Maghihintay na lamang kami ng right time na ibibigay Niya.”

Bukod sa dalawang show, abala rin si Heart sa finishing touches ng bahay na ipinatayo niya sa New Manila at patuloy din siya sa kanyang passion, ang pagpi-paint. Ang mga obra niya ay naka-exhibit ngayon sa SM Megamall that pays tribute sa Women’s Month. (NORA CALDERON)