Barbie copy

MUNTIK nang mag-away ang fans nina Kathryn Bernardo at Barbie Forteza dahil sa title na Primetime Teen Princess.

Tinawag kasi sa ganu’ng title ng kanyang fans si Barbie, kaya nagprotesta ang fans ni Kathryn dahil ito raw ang tunay na Primetime Teen Princess.

Nagpalitan na ng hindi magagandang salita ang dalawang grupo para idepensa kung bakit si Kathryn ang karapat-dapat sa title na ‘yun. Hindi nagpahuli ang fans ni Barbie, todo depensa rin sila para sa young actress.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Mabuti na lang, may fan na namagitan at pinayuhan ang two warring camps na wala silang dapat pag-awayan dahil parehong Primetime Teeen Princess ang dalawa. Si Katrhyn ay Primetime Teen Princess ng ABS-CBN at si Barbie at Primetime Teen Princess ng GMA-7. Hayun, natapos din ang bangayan. Kaya lang, ‘pag may tatawag kina Kathryn at Barbie ng nasabing title, dapat kasunod ang networks nila.

In fairness, parehong nagri-rate ang shows nina Kathryn at Barbie, kaya pareho silang deserving sa nasabing title.

Inaabangan na ng KathNiel fans nina Kathryn at Daniel Padilla ang bagong teleserye nilang La Luna Sangre.

Nag-i-enjoy naman ng high rating at laging top trending ang Meant To Be ni Barbie kasama ang leading men na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto. Mararamdaman mong laging masaya ‘pag airing ng rom-com series dahil na rin sa reaction ng viewers sa social media.

Kilig na kilig ang fans na nag-aabang ng episode tuwing gabi para malaman kung kanino mapu-focus ang story at kung aling grupo ng fans ang mas kikiligin. Without bias, mas marami talaga ang fans ng love team nina Barbie at Ken.

Humahabol ang love team nina Barbie at Jak, pangatlo na lang ang love team nina Barbie at Ivan at dumarami ang maka-Barbie at Addy.

Anyway, nakisaya sa mga taga-Baguio ang cast ng Meant To Be last Saturday, sa Sunshine Park. (NITZ MIRALLES)