Sa pangangalaga ng National Bureau of Investigation (NBI) mananatili ang dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC at dating NBI deputy director na si Rafael Ragos.

Ito ay matapos ipag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na pansamantalang ikulong si Ragos sa NBI.

Base sa commitment order na inilabas ni Muntinlupa City RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero, mananatili sa NBI jail si Ragos habang wala pang pinal na desisyon sa kaso.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, ligtas at walang dapat ipangamba si Ragos sa piling ng ahensiya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

“Safe po sya rito sa NBI detention facility. At tinitiyak ko na patas gaya ng ibang nakakulong ang ibibigay sa kanya, pero hindi sya bibigyan ng special treatment,” pahayag ni Gierran.

Nabatid na nahaharap ang dating BuCor chief sa drug cases at co-accused niya sina Senator Leila de Lima at Ronnie Dayan na kapwa inaresto kamakailan. Beth Camia