PINAGBIDAHAN ng St. Louis College, STI Malolos, St. Joseph College, at St. Robert’s International Academy ang kani-kanilang SM-NBTC League Regional Championship.

Pinabagsak ng St. Louis ang Holy Spirit School of Tagbilaran, 66-36, para sa Central Visayas title sa Hoops Dome sa Lapu Lapu City. Tinanghal na MVP si Matthew Paras matapos umiskor ng 16 puntos sa championship match.

Nanguna naman si Klent Oniel Bernal sa nakubrang 26 puntos para sandigan ang STI Malolos kontra Pampanga High School-San Fernando, 70-68, sa Central Luzon title sa Systems Plus Foundation gym sa Angeles, Pampanga.

Sa isa pang Central Luzon final na ginanap sa Barangay San Jose Covered Court sa Concepcion, Tarlac, hataw si Roland Basa sa naiskor na 27 puntos para gabayan ang St. Joseph College sa makapigil-hiningang 99-97 panalo kontra Don Bosco Technical Institute-Tarlac.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakopo naman ng St. Robert ang Western Visayas kontra College of St. John’s, 75-57. Kumubra si Kevin Louis Barranco ng 15 puntos para sa St. Robert’s.