Alden & Maine Dolores copy

INSEPARABLE sina Alden Richards atMaine Mendoza through the time na nagkita at nagkakilala sila. Bukod sa bankable ang team-up nila, napakaganda ng bond at tiwala sa isa’t isa na nabuo nila.  

Lalo pa silang naging close ngayong magkatambal sila sa Destined To Be Yours dahil lagi silang magkasama sa taping, na madalas ay sa malayong lugar, madalas sa kaakit-akit na location nila sa paanan ng Mt. Banahaw sa Dolores, Quezon.

Kaya panay na naman ang tanong ng fans kung talagang close friends pa rin lamang ang turingan nilang dalawa. Kitang-kita naman kasi na sweet talaga sila sa isa’t isa at hindi ito maitago sa followers nila. Sa katunayan, ito ang laman ng karamihan sa Instagram posts ngayon ng fans na laging nakasubaybay sa kanila. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Mabilis kumalat sa social media ang nakukuhang photos at video sa kanilang dalawa. Nakukunan din sila ng behind the scene footages ng fans na nagtutungo sa set kaya hindi maikakaila ang sweetness nila sa isa’t isa.

Nakitang muli ng fans ang sweetness nila kahapon sa Panagbenga Flower Festival parade sa Baguio City na nagsimula ng 10:00 AM at napanood din sa Sunday Pinasaya kahapon. Nagdagdag ng kulay at kasiyahan sa Panagbenga sina Maine at Alden pero sila rin mismo ang nag-cover sa event para sa GMA Network, kasama ang dalawa nilang co-stars sa Destined To Be Yours na sina Juancho Trivino at Koreen Medina.

Labis-labis ang pasasalamat nila sa mga taong umakyat ng Baguio City para lamang masaksihan ang taunang Panagbenga Flower Festival, na walang duda na talagang dinarayo ng mga turista at mga mamamayan ng mga karatig-probinsiya ng Mountain Province, sa kabila ng trapik at maglalakad lamang sila dahil maaga pa ay isinara na ang Session Road.

First time ni Maine na makasali sa Panagbenga Festival. Si Alden, una nang nakasali rito noong 2014, nang sumakay sila sa float ni Marian Rivera para sa promo ng Carmela, ang huling drama series na ginawa nila together.

(NORA CALDERON)