Daniel at Kathryn copy

NGAYON pa lang ay naghahanda na ang avid supporters nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa showing sa Abril 15 ng pelikula nilang Can’t Help Falling In Love mula sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema.

 

Pinaplano na ng KathNiel fans ang gaganaping block screenings para sa pelikula at maging sa ibang bansa ay nagkakakontakan na ang lahat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sakto naman daw na bakasyon ipalalabas ang Can’t Help Falling In Love para may oras ang mga estudyante na tumulong sa gagawing block screenings.

 

As expected, lahat ng financial support ay galing sa ipon ng lahat ng miyembro ng fans club nina Daniel at Kathryn at malaking tulong din ang bigay ng mga nasa ibang bansa.

Nag-usisa tuloy kami sa ilang KathNiel supporter kung may pressure ba sa parte nila ang malaking kinikita ngayon ng pelikulang My Ex and Whys ninaEnrique Gil at Liza Soberano.

“Wala naman po, basta ang tutok lang po namin ay ang KathNiel. Kung malakas ang pelikula ng ibang love teams, okay po sa amin, kanya-kanyang suportahan po iyon, pero siyempre kung kami ang tatanungin, mas gusto namin na mas malaki ang kikitain ng pelikula ng KathNiel.

“Hindi naman po kami nakikipagkumpetensiya, masaya na kami kung malaking kita at nakikita naming masaya ang KathNiel. Masaya na kaming lahat, suportado po namin sila sa lahat ng gagawin nila,” paliwanag ng ininterbyu naming KathNiel supporters na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Inaabangan na rin nila ang seryeng La Luna Sangre nina Daniel at Kathryn at sana raw ay magtagal ito sa ere at hindi mamadaliing tapusin kaagad katulad ng Pangako Sa ‘Yo. (REGGEE BONOAN)