12

MULING ipinakita ng mga batikang landscaper ang kani-kanilang garden landscapes na sentro ng atraksiyon sa Burnham Park, na tinaguriang Baguio Blooms Exhibition and Exposition ng 22nd Panagbenga Festival sa Summer Capital of the Philippines.

 

Labing-anim na landscapes mula sa vertical at open category at carpet of flowers ang makikita ngayon sa kahabaan ng Lake Drive. Nagsimulang matunghayan ang mga ito noong Pebrero 1, ang opening ng festival at magtatapos sa Marso 5. May matatanggap na premyo ang mananalong best landscapes.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

 

“Bawat taon ay nakikita natin ang improvement ng talent ng mga landscaper sa kanilang husay sa disenyo ng gardening, na talaga namang maipagmamalaki natin ito,” ayon kay Freddie Alquiroz, co-chairman ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI).

 

Ayon kay Alquiroz, kitang-kita na mas magaganda ang preparation ngayon sa Baguio Blooms dahil pinalawak ang espasyo para sa mga mamamayan at bisita kaya buwelo ang lahat sa kanilang photo-op at selfie sa naggagadahang mga bulaklak sa landscapes.

 

Ang mga lumahok sa landscaping competition ay kabilang sa Baguio Landscapers Association, Baguio Orchidarium at La Trinidad Orchidariums.

 

Bukod sa landscaper na maitututing na mga propesyunal ay may pakulo rin ang BFFFI para sa mga guro at estudyante, ang School-Based Landscaping Competition at Floral Arrangement Competition for Elementary and High School.

(RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="227657,227656,227655,227654,227652,227653"]