UNITED NATIONS (AFP) – Nabigo ang UN fund na itinayo para lumikom ng pondo para sa mga biktima ng cholera sa Haiti, at dalawang posiyento lamang ng kinakailangang $400 million ang nalilikom nito, ayon sa isang liham ni UN Secretary-General Antonio Guterres.

Hiniling ni Guterres sa mga kasaping estado, sa liham na ipinadala nitong linggo, na ipaalam sa United Nations pagsapit ng Marso 6 kung balak nilang mag-pledge para tulungan ang Haiti, kung saan mahigit 9,000 katao na ang namatay sa cholera simula 2010.

“The voluntary contributions that have been received are not yet sufficient to cover what is required,” saad sa liham ni Guterres.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na