NAGBABALA ang mga siyentista batay sa naging resulta ng kanilang bagong pag-aaral: Mahaharap sa matinding pagkagutom at malawakang pagbabago ang pinakapusod ng pandaigdigang karagatan, o ang pinakamalaking habitat sa daigdig, pagsapit ng 2100 dahil sa patuloy na pag-init ng temperatura sa dagat, pagtindi ng acidification nito at pagdami ng mga bahagi nito na may mababang antas ng oxygen.
Ginamit ng mga siyentista, mula sa 20 pangunahing oceanographic research center sa mundo, ang mga pagtaya ng 31 Earth system model na dinebelop para sa Intergovernmental Panel on Climate Change upang matukoy ang temperatura, dami ng oxygen, acidity (pH) at supply ng pagkain sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan, 200 hanggang 6,000 metro mula sa ibabaw.
“Biodiversity in many of these areas is defined by the meager amount of food reaching the seafloor and over the next 80-plus years — in certain parts of the world — that amount of food will be cut in half,” sabi ni Andrew Thurber, marine ecologist ng Oregon State University (OSU) at isa sa mga may akda ng pag-aaral na inilathala sa journal na Elementa.
“We likely will see a shift in dominance to smaller organisms. Some species will thrive, some will migrate to other areas, and many will die,” sabi ni Turber. “Parts of the world will likely have more jellyfish and squid, for example, and fewer fish and cold water corals.”
Tinaya ng mga Earth system model na ginamit sa pag-aaral na ang temperatura sa pusod ng karagatan, o tinatawag na “abyssal” at nasa 3,000-6,000 metro ang lalim, ay madadagdagan ng 0.5-1.0 degrees Celsius sa North Atlantic, Southern at Arctic oceans pagsapit ng 2100, kumpara sa kasalukuyan.
Samantala, ang temperatura sa lalim na “bathyal”, nasa 200-3,000 metro, ay higit pang tataas: ang ilang bahagi ng pusod ng karagatan ay tinatayang makapagtatala ng pagtaas na aabot sa 4 degrees sa Pacific, Atlantic at Arctic oceans.
“While four degrees doesn’t seem like much on land, that is a massive temperature change in these environments,” paliwanag ni Thurber. “It is the equivalent of having summer for the first time in thousands to millions of years.”
Bunsod nito, lalala ang kakulangan o kawalan ng pagkain.
“The increase in temperature will increase the metabolism of organisms that live at the ocean floor, meaning they will require more food at a time when less is available,” sabi pa ni Thurber.
Ang malaking bahagi ng pusod ng dagat ay dumaranas na ngayon ng matinding kakulangan sa pagkain, ngunit magiging malawakang pagkagutom na ito, ayon kay Andrew Sweetman, mananaliksik sa Heriot-Watt University sa Edinburgh, at nanguna sa pag-aaral. “Abyssal ocean environments, which are over 3,000 meters deep, are some of the most food-deprived regions on the planet,” aniya.
Kalaunan, ang kakulangang ito ng pagkain ng mga lamang-dagat ay tiyak ding makaaapekto sa supply ng pagkain ng sangkatauhan sa hinaharap. (PNA)