KABABALIK lang ni Eula Valdez galing sa kanyang US vacation after ng Hahamakin Ko Ang Lahat afternoon prime niya sa GMA-7. Kinailangan niyang bumalik agad dahil may panibago siyang project na hindi niya ini-expect, kaya nga nagbakasyon na siya.
Pero tinawagan siya ng GMA-7 para sa isang bagong role sa Encantadia.
Matagal na niyang pinapanood ang telefantasya pero hindi niya alam na makakasama rin pala siya rito. Gaganap si Eula bilang ang malupit na si Reyna Avria ng Etheria, at tiyak na aabangan ng mga tagasubaybay ng epic-serye ang sagupaan nila ng mga Diwata ng Lireo na sina Hara Danaya (Sanya Lopez), Sang’gre Pirena (Glaiza de Castro) at Sang’gre Alena (Gabbi Garcia).
Mukhang mahihirapan sa kanya ang tatlong Diwata ng Lireo dahil makapangyarihan si Avria at nagawa niyang makuha ang ikalimang brilyante ng diwa at gagamitin ito laban sa kanila. May bago rin kayang karakter na tutulong sa kanila laban kay Avria?
Sa first taping day ni Eula, winelcome siya ng buong cast.
Sa istorya, matagal nang patay si Avria pero sa pamamagitan ni Bathalumang Ether, nagawa niyang gamitin ang katawan ni Cassiopea (Solenn Heussaff) para mabuhay at makabalik sa kanyang kaharian.
Sinasabing si Avria na ang huling reyna sa Encantadia.
Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.
Masaya rin si Eula na makakapag-promote siya ng bago niyang movie sa Regal Films, ang horror movie na Pwera Usog ng Regal Films. Siya ang gumaganap sa role ni Catalina na naka-possess kay Luna (Devon Seron). Showing na ito nationwide simula sa March 8, mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana. (Nora Calderon)