Maine at Alden copy

TULUY-TULOY ang pagpapasaya nina Alden Richards at Maine Mendoza para mai-promote ang kanilang first teleserye sa GMA-7, ang Destined To Be Yours.

Pagkatapos ng big promo nila sa Eat Bulaga kahapon, umakyat na sila ng Baguio City para makiisa sa Kapuso Fiesta, ang “Kapuso Panagbenga Celebration” na magaganap sa Sunshine Park, Baguio City ngayon. Magsisimula ang parade ng Panagbenga Flower Festival ngayong 10:00 AM.

Ayon kay Rams David ng Sunday Pinasaya, hindi lamang sasakay sa float sina Alden at Maine, iko-cover din nila ang celebration, at live silang magri-report sa Sunday musical variety show.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Makakasama nina Alden at Maine na sasakay sa float ang dalawang members ng cast ng Destined To Be Yours na sina Juancho Trivino at Koreen Medina.

Tuluy-tuloy pa rin ang Panagbenga celebration sa Studio 7 ng GMA Annex in Quezon City. At naroon naman ang ibang members ng cast na sina Janice de Belen, Gardo Versoza, Lotlot de Leon, Sheena Halili, RJ Padilla, Tommy Abuel, Boots Anson-Rodrigo, Luz Valdez at Ina Feleo.

Ang Destined To Be Yours ay mapapanood na simula bukas (Lunes, February 27), pagkatapos ng Encantadia.

(NORA CALDERON)