VIRGINIA BEACH, Va. (AP) – Ang lalaking namatay sa kanyang bahay sa Virginia habang naglalaro ng 24-hour video game marathon ay bahagi ng isang online livestreaming community na ang mga miyembro paminsan-minsan ay gumagawa ng matitinding hamon upang maparami ang kanilang audience, ayon sa mga eksperto.

Si Brian Vigneault, 35, ay gumugol ng 22 oras sa paglalaro ng online wargame na “World of Tanks” sa streaming platform na Twitch.tv. Sinabi niya sa kanyang followers na lumilikom siya ng pera para sa Make-A-Wish Foundation.

Ngunit noong Linggo ng umaga, umalis siya sa harapan ng kanyang computer upang sandaling manigarilyo. At hindi na muling nakita sa screen si Vigneault, may tatlong anak at naglalaro gamit ang alyas na PoShYbRiD.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sinabi ng Virginia Beach police na tumugon sila sa tawag 911 para sa cardiac arrest. Idineklarang patay si Vigneault sa lugar.