MARAMI ang naseksihan at nahalina pero may mga nang-bash din nang ilabas ng GMA-7 ang picture ni Barbie Forteza na naka-two-piece swimsuit. Ang bababaw ng comments ng iba, mema lang o me masabi lang. Halatang feeling bitter at inggit lang ang pinairal ng iba.

Natural magsu-swimsuit ang character ni Barbie beach scene ‘yun sa Meant To Be at wala na tayo roon kung inutusan man ng director at pumayag si Barbie na mag-two-piece.

In fairness, may karapatan siyang mag-two-piece dahil maputi, makinis at may curves ang katawan niya kahit hindi pa masyadong define. Saka 19 years old na siya, ano ba?

Pabayaan n’yo na kung maliit ang boobs niya. Ang sabi pa ng isang basher, walang puwet at kulang sa height. Hindi lahat ng nagtu-two-piece ay pefect ang katawan. Magtigil nga kayo!

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Karamihan sa kaibigan ni Barbie sa showbiz ay aprubado ang pagtu-two-piece swimsuit niya. Nabasa namin ang mga pangalan nina Direk Gina Alajar, Ai Ai delas Alas, Lovi Poe, Mark Bautista, Antonio Aquitania, Ruru Madrid, Kris Bernal, Stephanie Sol, Rodjun Cruz, Joey Paras, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, at Ken Chan na isa sa partner niya sa Meant To Be, Valeen Montenegro, at Kapamilya star na si Michelle Vito.

Pinaghandaan ni Barbie ang pagsusuot niyang ito ng two-piece swimsuit.

“Once nabasa ko ‘yung script na may ganitong eksena, cut agad ako ng carbs. Wala agad carbs, maliit na chicken for protein and egg whites. Saging na saba.”

Kaya, mga bes at yung gustong malaman ang sekreto ni Barbie kung bakit seksi ito sa nasabing eksena, alam n’yo na ang rason. (NITZ MIRALLES)