Tatlong katao ang iniulat na nagbigti kahapon sa magkakahiwalay na lugar sa mga bayan ng Angadanan at Aurora sa Isabela, at sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Sariling asawa ang nakadiskubre sa pagbibigti ni Librado Galiza, 37, sa loob ng kanilang bahay sa Purok 7, Barangay Centro 2, Angadanan, Isabela, na sinasabing dumaranas ng psychological disorder.

Depresyon naman ang sinasabing nagtulak sa pagpapatiwakal sa kubo ni Ramon Facon, 33, tubong Cauayan City at residente ng Bgy. Sili, Aurora, Isabela.

Samantala, napagsabihan naman ng ina dahil sa umano’y pagpapabaya sa trabaho kaya umano nagbigti si Junniefer Doronio, 19, service crew ng isang pizza parlor, sa San Nicolas, Ilocos Norte. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?