TUTUNTONG na sa edad 20 si Barbie Forteza sa July 31, kaya puwedeng-puwede na siyang mag-display ng kanyang magandang figure in a two-piece bikini, na magiging bahagi ng isang eksena Meant To Be ng GMA-7.

Eksena sa Kota Kaluruega, San Juan, Batangas, na pinuntahan ng character nina Barbie, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz, kasama sina Gloria Romero, Sharmaine Arnaiz at Jay Manalo ang mapapanood.

Nai-post sa Instagram ang picture ni Barbie habang naglalakad sa beach at marami ang humanga sa kanyang maalindog na sexy body, kabilang ang mga Kapuso star. Kahapon ng umaga, umani na ito ng mahigit 7,218 likes. Si Ai Ai delas Alas na kasama ni Barbie sa Sunday Pinasaya ay nag-caption sa photo ng: “Hindi ko pwedeng balewalain ‘to friendship... ayoko na...uwian na, nag-walkout na ang lahat... sobrang may nanalo na #nakakasilawna puti #thesexyprimetimeprincess #parangbondpapersaputi.”

Si @iamjnapoles – “hindi pwedeng palampasin ang pagre-repost ng picture na ito...ready na po siya... and I’m a proud friend!!! Slay Mars @barbaraforteza.”

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Ang @gmadramaBTS: “Congrats at nanalo na... ang hot mo Billie! Kaya naman pala nagpapakaromantiko na ang mga boys!

Nagpasalamat si Barbie sa kanyang natanggap na mga pagbati, isa na rito kay @belapadilla na dating nakasama ni Barbie sa mga shows nila sa GMA 7 noong hindi pa ito bumabalik sa Kapamilya Network.

Early summer treat ng GMA-7 ang naturang taping para sa mga sumusubaybay sa Meant To Be na patuloy ang mataas na rating.

Sa direksiyon ni LA Madridejos, kasama rin sa cast nito sina Mica dela Cruz, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Keempee de Leon, Sef Cadayona, at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes na finale na sa bukas. (NORA CALDERON)