MAINE AT ALDEN copy copy

NAGPAKA-REAL trouper si Maine Mendoza kahit siya lang ang mag-isang umapir sa Sunday Pinasaya nitong nakaraang Linggo para sa big promo nila ni Alden Richards ng Destined To Be Yours.

Kinaya naman ni Maine, pero siyempre mas maganda kung magkasama silang dalawa. Sinamahan naman siyang nag-guest ang gumaganap na nanay niya sa teleserye na si Janice de Belen at ang best friend niya sa story na si Sheena Halili.

Naka-confine pa kasi sa hospital si Alden last weekend na binati na lang ni Maine ng, “Hi, Alden! Sana nanonood ka.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Gayunpaman, tuwing lalabas si Maine at ipinapakita na lamang ang picture ni Alden (iyong painting na nakita sa trailer ng soap) na hawak ni Maine, nagtitilian pa rin ang fans sa Studio 7 ng GMA Network Annex.

Dahil wala nga si Chef Boy (Alden), si Maine muna ang naging Chef Girl sa segment ng ka-love team at tawanan nang tawanan ang audience sa paraan ng pagluluto nila ni Sheena at pagkatapos ay kinain nina Pekto at Joey Paras.

Nag-wish si Maine ng mabilis na paggaling ni Alden dahil gusto niyang magkasama na sila sa Linggo, February 26, sa Panagbenga Flower Festival sa Baguio. By that time, sabi ni Ateng Rams David ng Sunday Pinasaya, tiyak na magaling na magaling na si Alden.

One week pinagpapahinga ng doctor si Alden para bumalik ang kanyang lakas after ng apat na araw na pagkaka-confine sa hospital.

Ang saya-saya ng fans nang may ipasok na bouquet at isang gift in a box na ipina-deliver pala ni Alden sa driver niya para kay Maine. Nang buksan ang box, isang sweater na bagay na bagay para sa pagpunta nila sa napakalamig na Baguio City sa Sabado after ng Eat Bulaga hanggang Linggo, February 26. Muling nagpasalamat si Maine kay Alden sa regalo.

Kahapon, after ma-release sa hospital ay nag-post na si Alden sa Twitter ng pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa tuluy-tuloy nang paggaling niya.

“By God’s grace, I am healed. Thank you Lord and thank you for the prayers po.”

Samantala, maaga namang umalis kahapon si Maine para sa pagpapatuloy ng taping nila nina Janice, Gardo Versoza, Sheena Halili sa Dolores, Quezon para sa Destined To Be Yours under Direk Irene Villamor. Sa Lunes (February 27) na ang premiere airing ng kanilang teleserye sa GMA 7 pagkatapos ng Encantadia. (NORA CALDERON)