MASAYA ang fans nina Bea Alonzo at Shaina Magdayao dahil mukhang bumabalik na ang friendship ng dalawa at magiging best friend forever uli dahil nakitang magkasama sila sa blessing ng The Farm Medical Center ng The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas.

Sabi ng fans, nagkaroon ng lamat ang friendship ng dalawa nang kampihan daw ni Shaina si Zanjoe Marudo sa break nito with Bea. May nag-akala namang ang pagkaka-link ni Bea kay John Lloyd Cruz na ex-boyfriend ni Shaina ang rason ng paglamig ng friendship ng dalawa.

Pero iyon na nga, magkasama sila at si Angel Locsin bilang special guests sa blessing ng naturang medical center at ayon sa isang saksi, nakita sila sa restaurant na nasa The Farm at kasama ni Bea si Gerald Anderson.

Umaasa ang fans ng dalawa na manunumbalik na ang closeness nina Bea at Shaina at muli silang makikitang magkasama in public gaya ng kanilang dating ginagawa. (NITZ MIRALLES)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser